DASP para sa mga turistang nagtatrabaho (working holiday makers)
Noong Disyembre 2016, ang Pamahalaan ng Australia ay nag-anunsyo ng bagong rate ng buwis ng DASP para sa mga turistang nagtatrabaho. Ang pagbabagong ito ay nauugnay sa bagong rate ng buwis sa kita para sa working holiday makers (mga turistang nagtatrabaho)
Ikaw ay WHM kung may hinahawakan kang isa sa sumusunod na mga visa:
- a 417 (Nagtatrabahong Turista) na visa
- a 462 (Trabaho at Turista) na visa
- isang nauugnay na bridging visa.
Mula Hulyo 1, 2017, ang bagong rate ng buwis ng DASP WHM na 65% ay umiiral sa mga DASP na ibinigay sa mga WHM kung saan nabibilang dito ang mga halaga na naiuugnay sa mga kontribusyon sa superannuation na isinagawa sa ilalim ng isang WHM na visa.
Hindi mahalaga kung kailan ka nagkaroon ng WHM na visa. Ang rate ng buwis ng DASP ay iiral kung nagkaroon ka ng 417 o 462 at mga nauugnay na bridging visa at kabilang sa DASP ang mga halaga na naiuugnay sa mga kontribusyon sa superannuation na isinagawa habang mayroon kang may-katuturang visa.
Ang rate ng buwis ng DASP WHM ay ilalapat sa buong kabayaran, kabilang ang anumang super na maaaring nakamit mo habang nagtatrabaho ka sa ilalim ng ibang visa.
Impormasyon sa visa para sa mga WHM
Ang pag-anunsyo ng rate ng buwis ng DASP WHM ay nangangahulugang mangangailangan ang mga super fund sa iyong impormasyon sa visa upang matukoy ang angkop na rate ng buwis na iwi-withhold.
Ang online na application system ng DASP ay kukuha ng impormasyon sa visa mula sa Home Affairs kung saan nagkaroon ka ng WHM na visa. Pinapayagan nito ang mga super fund at ATO na tukuyin ang angkop na rate ng buwis ng DASP.
Kakailanganin mong magbigay ng iyong impormasyon sa visa sa form ng papel na aplikasyon kung nagkaroon ka ng isang WHM na visa. Ang impormasyon sa visa na iyong ibibigay ay maaaring ihambing sa impormasyon na nasa Home Affairs. Maaaring mas tumagal ang proseso ng iyong aplikasyon kung hindi ito magtutugma ang iyong impormasyon.
Ang iyong mga bridging visa ay maaaring ituring na WHM na visa kung saan iuugnay ito sa mga 417 o 462 na visa. Ang mga bridging visa na itinuturing na WHM ay:
- bridging visa na inisyu kaagad pagkatapos ng isang 417 o 462 na visa at kaagad bago ang ikalawang 417 o 462 na mga visa
- bridging visa na inisyu kaagad pagkatapos ng isang 417 o 462 na visa at walang ibang visa na inisyu pagkatapos ng bridging visa na ito.
Buwis sa DASP para sa mga WHM
Ang rate ng buwis ng DASP ay indibidwal na tutukuyin ng bawat super fund, dahil ang bawat fund ay nagsasagawa ng hiwalay na pagbabayad.
Tatasahin ng bawat super fund ang iyong aplikasyon at tutukuyin nila ang rate ng buwis na ipapataw batay sa impormasyon na hinahawakan nito na may kaugnayan sa iyong mga kontribusyon. Kung nagkaroon ka ng WHM na visa, susuriin ng iyong super fund kung kasama sa DASP ang mga halaga na naiuugnay sa mga kontribusyon sa superannuation na isinagawa habang mayroon kang WHM na visa. Kung mayroong halagang ito, ipapataw ng fund ang rate ng buwis ng DASP WHM. Kung wala ito, ilalapat ang fund sa ordinaryong rate ng buwis ng DASP.
Ang iba't ibang rate ng buwis na maaaring ipataw ay nasa buod sa ibaba:
- Kung hindi ka kailanman nagkaroon ng WHM na visa – ipapataw ang ordinaryong rate ng buwis ng DASP.
- Kung nagkaroon ka lang ng WHM na visa at nauugnay na mga bridging visa – ipapataw ang rate ng buwis ng DASP WHM.
- Kung nagkaroon ka ng WHM na visa at ibang uri ng visa – ang rate ng buwis na ipapataw ay magdedepende sa kung kasama sa DASP ang mga halaga na naiuugnay sa mga kontribusyon sa super na isinagawa habang mayroon kang WHM na visa. Kung mayroong halagang ito, ang rate ng buwis ng DASP WHM ay ipapataw sa buong halaga. Kung wala ito, ilalapat ang ordinaryong mga rate ng buwis ng DASP.