Show download pdf controls
  • Pagsisimula sa iyong unang trabaho

    Bago ka magsimulang magtrabaho

    Kumuha ng tax file number

    Ang iyong tax file number (TFN) ay ang iyong personal na pansangguning numero (reference number) para sa aming sistema ng pagbubuwis. Dapat mag-apply ka para sa iyong TFN bago ka magsimulang magtrabaho o kaagad pagkatapos. Kung wala kang TFN na maibibigay sa iyong taga-empleyo, magbabayad ka ng mas malaking buwis.

    Libre ang pagkuha ng TFN.

    Susunod na hakbang:

    Panatilihing ligtas ang iyong TFN

    Mananatiling pareho ang iyong TFN sa iyong buong buhay, kahit pa magbago ang iyong pangalan, lumipat sa ibang estado o pumunta sa ibang bansa.

    Hindi pahintulutan ang ibang tao na gamitin ang iyong TFN – kahit na iyong mga kaibigan o kamag-anak.

    Huwag kailanman ibigay ang iyong TFN sa isang aplikasyon sa trabaho o sa internet. Dapat mo lang ibigay ang iyong TFN sa iyong taga-empleyo pagkatapos na magsimula kang magtrabaho para sa kanya.

    Makinig sa aming mga gabay sa audio sa Pilipino

    Media: Pagsisimula sa iyong unang trabaho
    http://tv.ato.gov.au/ato-tv/media?v=bd1bdiud4x617dExternal Link (Duration: 00:01:14)

    Tingnan din:

    Bago ka magsimulang magtrabaho

    Kumpletuhin ang isang deklarasyon ng tax file number

    Hihilingin sa iyo ng iyong taga-empleyo na punan ang form na Tax file number declaration (Deklarasyon ng tax file number) upang sabihin sa kanila ang iyong personal na impormasyon at iyong TFN.

    Ginagamit ng iyong taga-empleyo ang deklarasyong ito upang kalkulahin kung magkano ang buwis na kailangan mong bayaran.

    May 28 araw ka upang magbigay ng deklarasyon sa iyong taga-empleyo. Kung hindi mo ito ibibigay, kukuha sila ng mas malaking buwis mula sa iyong sahod.

    Magkano ang buwis na iyong babayaran

    Kakaltasin ng iyong taga-empleyo ang buwis mula sa iyong sahod at ipapadala ito sa amin. Tinatawag itong 'pay as you go withholding' (pagkakaltas ng buwis kada pasahod).

    Ang halaga ng buwis na iyong babayaran ay magdedepende sa:

    • kung ikaw ay isang residente ng Australia para sa mga layuning pagbubuwis
    • magkano ang kita na iyong kinikita
    • kung mayroon kang tax file number (TFN).

    Superannuation

    Ang superannuation, o 'super', ay isang bahagi ng iyong kita na binabayad ng iyong taga-empleyo patungo sa isang super fund. Ang iyong super ay lumalaki sa kabuuan ng iyong buhay pagtatrabaho. Gagamitin mo ang iyong super sa iyong pamumuhay kapag nagretiro ka na sa trabaho.

    Alamin ang higit pa:

    Pagtanggap ng bayad nang cash

    Ang ilang taga-empleyo ay may gustong bayaran ka ng cash sa halip na magdeposito sa iyong bank account. Okey lang ito kung sila ay:

    • nagkaltas ng tamang halaga ng buwis mula sa iyong sahod at ipinadala ito sa amin.
    • nagbibigay sa iyo ng mga payslip na nagpapakita kung magkano ang buwis na iyong binayaran
    • nagbayad ng tamang halaga ng super sa iyong super fund.

    Kung hindi nila gagawin ang mga bagay na ito, maaaring makatanggap ka ng mas kaunting bayad at super na dapat mo sanang matanggap.

    Makinig sa aming mga gabay sa audio sa Pilipino

    Media: Pagsisimula sa iyong unang trabaho
    http://tv.ato.gov.au/ato-tv/media?v=bd1bdiud4x6iaxExternal Link (Duration: 00:02:10)

    Alamin ang higit pa:

    Empleyado o kontraktor

    Ang pagiging empleyado ay iba sa pagiging kontraktor.

    Ikaw ay isang empleyado kung nagtatrabaho ka sa negosyo ng ibang tao.

    Ikaw ay isang kontraktor kung nagtatrabaho ka para sa sarili at nagpapatakbo ka ng sarili mong negosyo.

    Ang ilang mga taga-empleyo ay maaaring maling tratuhin ka bilang isang kontraktor o hikayatin ka na kumuha ng Australian business number (ABN, numero ng negosyo sa Australia) upang subukang iwasan ang kanilang mga responsibilidad.

    Ang mga taong nagpapatakbo ng negosyo lang ang nangangailangan ng ABN. Kung ang iyong taga-empleyo ay hindi wastong nagpapasuweldo sa iyo bilang isang kontraktor, maaaring mawalan ka ng oportunidad para sa mga bagay kagaya ng:

    • sick leave (hindi pagpasok sa trabaho dahil sa sakit)
    • holiday pay (suweldo sa empleyado kahit lumiban sa trabaho para magbakasyon)
    • super
    • work cover (insurance o seguro sa trabaho)

    Alamin ang higit pa:

    Mga karapatan at obligasyon sa lugar ng trabaho

    Ang lahat ng mga taong nagtatrabaho sa Australia ay may parehong mga karapatan at proteksyon sa trabaho. Ang mga minimum na rate ng suweldo at mga kondisyon sa lugar ng trabaho ay itinatakda ng batas ng Australia.

    Ang Fair Work Ombudsman ay makakapagbigay sa iyo ng impormasyon at payo tungkol sa iyong mga karapatan at obligasyon sa lugar ng trabaho. Mayroon silang ganitong impormasyon sa iba't ibang wika.

    Makinig sa aming mga gabay sa audio sa Pilipino

    Media: Pagsisimula sa iyong unang trabaho
    http://tv.ato.gov.au/ato-tv/media?v=bd1bdiud4x6jm4External Link (Duration: 00:01:41)

    Tingnan din:

    Mga susunod na hakbang:

    Awtorisado ng Pamahalaan ng Australia, Canberra.

    Authorised by the Australian Government, Canberra.

      Last modified: 17 Apr 2023QC 61268