Para sa poster format, tingnan ang Gifts and donations (PDF, 620KB)This link will download a file
Kailan ka maaaring mag-claim ng regalo o donasyon
Maaari kang mag-claim ng kabawasan para sa isang regalo o donasyon na gagawin mo sa isang organisasyon kung natutugunan nito ang sumusunod na 4 na kundisyon:
- gagawin mo ang regalo o donasyon sa isang deductible gift recipient (DGR)
- ito ay pera o ari-arian (maaaring kabilang dito ang mga asset sa pananalapi, tulad ng mga shares)
- ito ay tunay na regalo o donasyon (hindi ka tatanggap o umaasa ng anumang benepisyo)
- sumusunod ito sa anumang mga kaugnay na kondisyon ng regalo.
Dapat ay mayroon ka ring rekord ng regalo o donasyon, tulad ng resibo.
Kailan ka hindi makakapag-claim ng regalo o donasyon
Hindi ka maaaring mag-claim ng kabawasan para sa isang regalo o donasyon na:
- nagbibigay sa iyo ng personal na benepisyo (halimbawa, lottery o raffle ticket)
- ginagawa mo sa pamilya at mga kaibigan, sa anumang kadahilanan
- ginagawa mo sa social media, mga crowdfunding platform o membership (tulad ng mga membership sa sporting club), maliban kung sila ay isang rehistradong DGR.
Ano ang DGR?
Ang deductible gift recipient (DGR) ay isang organisasyon o pondo na maaaring makatanggap ng mga regalo o donasyon na makababawas sa buwis. Hindi lahat ng charity ay DGR. Halimbawa, maraming mga crowdfunding website ang hindi pinapatakbo ng mga DGR, kaya ang mga donasyon sa kanila ay hindi makababawas ng buwis.
Maaari mong tignan kung ang iyong donasyon ay para sa isang inendorsong DGR sa ABN LookupExternal Link.
Anong mga tala ang kailangan ko?
Dapat kang magtago ng mga talaan ng lahat ng mga donasyong makababawas sa buwis na iyong ginawa. Maaaring kabilang dito ang:
- mga resibo para sa mga donasyon o kontribusyon
- isang pinirmahang sulat mula sa karapat-dapat na organisasyon na may halaga ng iyong donasyon o kontribusyon.
Kapag nagbigay ka ng donasyon, kadalasang bibigyan ka ng DGR ng resibo – ngunit hindi ito kailangan. Maaari ka pa ring mag-claim ng kabawasan gamit ang ibang mga tala, gaya ng mga bank statement.
Ito ay isang pangkalahatang buod lamang. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang Mga Regalo at donasyon (sa Ingles) o makipag-usap sa isang rehistradong propesyonal sa buwis.
Kung gusto mong makipag-usap sa amin sa ibang wika maliban sa Ingles, tumawag sa Serbisyo para sa Pagsalin at Pag-interpret sa Wika sa 13 14 50. Kung ikaw ay tumatawag mula sa ibang bansa, tumawag sa +61 3 9268 8332.