Para sa poster format, tingnan ang Overnight travel expenses (PDF, 599KB)This link will download a file
Kung kailan ka maaaring mag-claim ng mga gastos sa paglalakbay
Maaari kang mag-claim ng kabawasan para sa mga gastos sa paglalakbay kung ikaw ay naglalakbay nang malayo sa iyong tahanan nang magdamag para sa iyong mga tungkulin sa trabaho.
Maaaring kabilang sa mga gastos sa paglalakbay ang:
- tirahan (tulad ng halaga ng pananatili sa isang hotel o motel)
- gastos sa pagkain
- mga kaugnay na gastusin (maliliit na gastos, tulad ng pagparada ng kotse o tiket sa bus)
- transportasyon (halimbawa, ang halaga ng iyong mga paglalakbay sa eroplano).
Kung kailan mo hindi pwedeng ma-claim ang mga gastos sa paglalakbay
Hindi mo maaaring i-claim ang gastos sa paglalakbay kung:
- hindi ka lumayo sa iyong tahanan nang magdamag
- binabayaran ka ng iyong employer para sa anumang mga gastos sa paglalakbay
- ang paglalakbay ay para sa mga normal na biyahe sa pagitan ng bahay at trabaho (kahit na malayo ang iyong tinitirhan)
- nakatira ka sa isang lokasyon kung saan ka nagtatrabaho, o piniling matulog nang malapit sa iyong lugar ng trabaho
- ang mga gastos sa paglalakbay ay para sa paglipat.
Mga bagay na dapat tandaan
Kung ang iyong paglalakbay ay para sa parehong trabaho at pribadong layunin, maaari mo lamang i-claim ang mga gastos na kaugnay sa trabaho.
Kailangan mong magtago ng mga rekord tulad ng mga resibo upang suportahan ang iyong mga claim para sa mga gastusin sa paglalakbay, maliban kung may eksepsiyon ka sa pagpapanatili ng talaan.
Kung naglalakbay ka nang malayo sa bahay nang 6 o higit pang gabi na magkakasunod, maaaring kailangan mong magtago ng mga karagdagang tala sa paglalakbay tulad ng isang talaarawan sa paglalakbay. Bukod pa ito sa pag-iingat ng mga resibo para sa iyong mga gastos.
Kapag nag-iingat ng isang talaarawan sa paglalakbay, dapat mong itala ang iyong mga aktibidad sa paglalakbay sa isang electronic o papel na talaarawan, na nagpapakita ng:
- kung nasaan ka
- kung ano ang iyong ginagawa
- petsa ng aktibidad
- oras ng pagsisimula at pagtatapos ng aktibidad.
Ito ay isang pangkalahatang buod lamang. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang mga gastos sa Magdamag na paglalakbay at mga allowance (sa Ingles) o makipag-usap sa isang rehistradong propesyonal sa buwis.
Kung gusto mong makipag-usap sa amin sa ibang wika maliban sa Ingles, tumawag sa Serbisyo para sa Pagsalin at Pag-interpret sa Wika sa 13 14 50. Kung ikaw ay tumatawag mula sa ibang bansa, tumawag sa +61 3 9268 8332.