Paano kukunin ang iyong super
Kung karapat-dapat ka sa DASP, maaari kang magsumite ng iyong aplikasyon sa pamamagitan ng:
- online application system ng DASP – para sa kapwa super fund at super na hinahawakan ng ATO
- isang form na papel, pero kailangang gumamit ka ng tamang form
- para sa super money na hinahawakan ng super fund, gamitin ang Application for a departing Australia superannuation payment form (Form sa aplikayon para sa departing Australia superannuation payment) (NAT 7204) – ipadala ang form na ito nang direkta sa super fund
- para sa ATO-held super (super na hinahawakan ng ATO), gamitin ang Application for payment of ATO-held superannuation money (Aplikasyon para sa pagbayad ng superannuation money na hinahawakan ng ATO) (NAT 74880) – ipadala ang form na ito sa address na nakalista sa form.
Mga online na aplikasyon
Ang mga online na aplikasyon ay libre at maaaring isumite sa pamamagitan ng Online application system ng DASP – para sa kapwa mga super fund at super na hinahawakan ng ATO.
Ang mga online na aplikasyon ay beberipikahin ng Department of Home Affairs (Home Affairs). Beberipikahin ng Home Affairs ang iyong kalagayan sa imigrasyon at visa at bibigyan nila kami ng impormasyon tungkol sa iyong visa kung saan kinakailangan.
Maaari mo lang isumite ang isang aplikasyon ng DASP kapag naka-alis ka na ng Australia at wala kang hinahawakang aktibong visa. Subalit, nirerekomenda namin na umpisahan mo ang iyong aplikasyon sa DASP habang nasa Australia ka at ihanda ang lahat ng iyong mga nauugnay na impormasyon.
Tandaan ang impormasyon na iyong ipinasok noong inumpisahan mo ang iyong online na aplikasyon. Kakailanganin mo ang parehong mga detalye upang muling simulan ang iyong na-save na aplikasyon pagkatapos na umalis ka ng Australia.
Kung ang halaga ng iyong super money ay $5,000 o higit pa, mangangailangan ang iyong super fund ng mga sertipikadong kopya ng mga dokumento ng iyong katibayan ng pagkakakilanlan (proof of identification).
Mas madali na sertipikahan ang mga dokumento habang nasa Australia ka. May mga partikular na panuntunan kung sino ang maaaring makapagsertipika ng mga dokumento kung kaya't nirerekomenda naming gawin mo ito bago ka umalis. Makipag-ugnayan sa iyong super fund upang makumpirma kung anong dokumentasyon ang kinakailangan.
Tingnan rin:
Mga papel na aplikasyon
Kailangan mong kumpletuhin ang Application for a departing Australia superannuation payment form (Form ng aplikasyon para sa departing Australia superannuation payment) (NAT 7204) at ipadala ang isa sa bawat super fund mo upang mag-apply para sa iyong DASP.
Ang mga papel na aplikasyon sa mga super fund ay maaaring gugugol ng gastos depende sa halaga ng iyong super money. Mangangailangan rin ang iyong super fund ng mga sertipikadong kopya ng mga dokumento ng iyong katibayan ng pagkakakilanlan (proof of identification).
Mas madali na sertipikahan ang mga dokumento habang nasa Australia ka. May mga partikular na panuntunan tungkol sa kung sino ang maaaring makapagsertipika ng mga dokumento, kung kaya't nirerekomenda naming gawin mo ito bago ka umalis. Makipag-ugnayan sa iyong super fund upang makumpirma kung anong dokumentasyon ang kinakailangan.
Para sa super na hinahawakan ng ATO, gamitin ang Application for payment of ATO-held superannuation money (Aplikasyon para sa pagbayad ng superannuation money na hinahawakan ng ATO) (NAT 74880) at ipadala nang direkta sa amin. Walang gastos para sa mga papel na aplikasyon na ipinapadala sa ATO.
Halaga ng super na $5,000 o higit pa
Ang mga papel na aplikasyon sa mga super fund ay nangangailangan ng isang Certification of Immigration Status (Sertipikasyon sa Katayuang Pang-imigrasyon) mula sa Home Affairs. Sumisingil ng bayad ang Home Affairs sa pag-isyu ng sertipikong ito. Direkta nilang i-email sa iyo ito at ang mga super fund na iyong ii-nominate.
Ang Certification of Immigration Status ay kabibilangan ng impormasyon sa visa kung nagkaroon ka ng isang working holiday maker (WHM, turistang nagtatrabaho) visa. Kapag hindi tama ang impormasyon sa visa na nasa sertipiko, kailangan mong mag-email sa GCN.admin@homeaffairs.gov.au upang i-wasto ang iyong impormasyon sa visa at ipagbigay-alam ito sa iyong super fund. Gagamitin ng iyong super fund ang impormasyon sa visa na ibinigay mo upang tukuyin ang angkop na rate ng buwis ng DASP.
Susunod na hakbang:
Halaga ng super na wala pang $5,000
Maaari kang magbigay ng ebidensya na umalis ka na ng Australia at nag-expire na ang iyong visa nang hindi mo kinukumpleto ang Certification of Immigration Status. Kontakin ang iyong super fund upang malaman kung anong ebidensya ang kailangan mong ibigay upang suportahan ang iyong aplikasyon. Subalit, kung hindi mo mismo maibibigay ang ebidensya, maaaring hilingin sa iyo ng iyong super fund ang Certification of Immigration Status mula sa Home Affairs bago nila maproseso ang iyong aplikasyon.
Kung nagkaroon ka ng WHM visa at hindi ka pa nag-apply para sa Certification of Immigration Status mula sa Home Affairs, kakailanganin mong magbigay ng iyong impormasyon sa visa sa papel na aplikasyon. Ang impormasyon sa visa na iyong ibibigay ay maaaring siyasatin sa pamamagitan ng paghahambing ng impormasyon sa mga rekord ng Home Affairs at maaaring mas tumagal ang proseso ng iyong aplikasyon kung hindi ito magtutugma.
Alamin ang tungkol sa:
Tingnan rin: