Show download pdf controls
  • Paano at kailan babayaran ang DASP

    Sa pangkalahatan, ang iyong DASP ay babayaran sa loob ng 28 araw ng pagtanggap ng iyong nakumpletong aplikasyon. Maaaring mas matagal kung naisumite mo ang isang di-kumpletong aplikasyon o hiniling sa iyo na magsumite ng karagdagang mga pansuportang dokumento.

    May tatlong opsyon sa pagbayad:

    • electronic funds transfer (EFT) sa isang bank account sa Australia
    • Tseke na dolyares ng Australia
    • international money transfer (IMT) – para sa mga aplikasyon sa fund lamang.

    Hindi lahat ng mga super fund ay nag-aalok ng IMT. Ang mga bayarin at singil (kabilang ang pag-convert ng pera) ay maaaring ipataw kung kaya't makipag-ugnayan sa iyong fund upang makita kung anong mga opsyon sa pagbabayad ang magagamit.

    Karaniwang ang EFT ang pinaka-epektibong opsyon sa pagbabayad at nirerekomenda naming panatilihin mo ang iyong bank account sa Austalia upang makatanggap ng kabayaran ng iyong DASP.

    Kumpirmahin sa iyong bangko sa Australia na maaari kang makapag-areglo na ibayad ang pera sa isang account sa bansang pinagmulan mo.

    Para sa super na hinahawakan ng ATO, maaari ka lang makapagpili ng EFT sa isang bank account o tseke sa Australia.

    Mga susunod na hakbang:

    • Tanungin sa aming komunidad ng ATO ang iyong tanong tungkol sa pagkuha ng DASP.
    • Basahin ang ilang palaging tinatanong na tanong ng DASP.

    Paano binubuwisan ang DASP

    Isang huling buwis ng DASP ang iwi-withhold mula sa iyong bayad sa panahong isasagawa ito. Ang pagbabayad ay maaaring binubuo ng dalawang bahagi – isang bahagi na walang buwis, at isang bahagi na pinapatawan ng buwis (na maaaring may elementong binubuwisan at/o elementong di binubuwisan).

    Ang mga rate ng buwis na pinapataw sa mga pagbabayad na ginawa mula 1 Hulyo 2017

    Bahagi ng pagbabayad

    Ordinaryong rate ng buwis ng DASP (para sa di WHM)

    Rate ng buwis ng DASP WHM

    Bahagi ng pagbabayad ng walang buwis

    wala

    wala

    Bahaging maaaring patawan ng buwis – elementong binubuwisan

    35%

    65%

    Bahaging maaaring patawan ng buwis – elementong hindi binubuwisan

    45%

    65%

    Ang tagapagbayad ng DASP ay kailangang mag-isyu sa iyo ng buod sa pagbabayad ng DASP sa loob ng 14 na araw ng pagsasagawa ng pagbabayad. Ang buod ng pagbabayad ng DASP ay magsasabi sa iyo sa halaga ng buwis ng DASP na ini-withhold at ang halaga na inisyu sa iyo.

    Mula Hulyo 1, 2017, ang mga buod ng pagbabayad ng DASP na inisyu namin ay may 'H' na indicator sa uri ng DASP kapag ilalapat ang rate ng buwis ng DASP WHM. Ang indicator ay blangko kung saan ilalapat ang rate ng ordinaryong buwis ng DASP.

    Alamin ang tungkol sa:

    DASP na binabayaran ng mga super fund

    Kung naniniwala ka na ang iyong super fund ay nag-withhold ng maling halaga ng buwis mula sa iyong DASP, dapat mong kontakin ang iyong super fund at humiling ng refund. Kailangan mong gawin ito sa parehong pinansyal na taon kung kailan binayad ang DASP.

    Kung hihiling ka ng refund sa o pagkatapos ng Hulyo 1 ng kasunod na pinansyal na taon kung kailangan binayaran ang iyong DASP, kailangan mong magsampa ng pagtutol sa amin sa pamamagitan ng sulat.

    DASP na binabayaran namin

    Kung ang iyong DASP ay binayaran namin at naniniwala ka na hindi tama ang halaga ng buwis na na-withhold mula sa iyong DASP, kailangan mong magsampa ng pagtutol sa amin sa pamamagitan ng sulat.

    Susunod na hakbang:

    Huwag isama ang DASP sa iyong tax return

    Hindi bahagi ang DASP sa iyong kita na maaring tasahin para sa mga layunin ng buwis ng Australia.

    Ang isang panghuling buwis ang iwi-withhold mula sa DASP kapag isinagawa ang pagbabayad – kung kaya't huwag isama ang buod ng pagbabayad ng DASP sa iyong tax return.

      Last modified: 23 Jul 2020QC 63260