ATO logo

Super health check Pagsisiyasat sa kalagayan ng iyong Super

Use this checklist to review the health of your super – Filipino translation.

Published 1 July 2026

Mga pakinabang ng pagsisiyasat sa kalagayan ng iyong super

Ang iyong super ay maaaring maging isa sa mga pinakamalaking pag-aari na maiipon mo sa iyong buhay, kaya mahalaga na regular itong matingnan.

Inirerekomenda naming nang pagkukumpleto ng isang pagsisiyasat sa kalagayan ng Super isang beses bawat taon. Maraming mga tao ang pumipili na gawin ito kapag sila ay nagsusumite ng kanilang tax return, ngunit maaari mong masiyasat ang iyong super sa anumang oras.

Panoorin ang video na ito at sundin ang 5 mga hakbang ng pagsisiyasat sa kalagayan ng Super.

Media: The Super Health Check
https://tv.ato.gov.au/media/bi9or7orfxyyutExternal Link (Duration: 1:55)

Simulan na

Upang mag-umpisa, sundin ang mga ipapagawa sa ibaba o i-download ang pagsuri ng kalagayan ng inyong Super (Super health check (NAT 75486, PDF 215KB)This link will download a file) (sa Ingles).

Ang pinakamahusay na paraan upang makumpleto ang pagsisiyasat na mga ito ay ang paggamit ng ATO online services sa pamamagitan ng myGov o sa pamamagitan ng direktang pagkontak sa iyong super fund. Kailangan mo lang ng isang myGov account na naka-link sa ATO (sa Ingles).

Kapag na-link mo na ang iyong myGov account, maaari mo ring magamit ang ATO app (sa Ingles)

Ang impormasyon na ito ay makikita rin sa ibang mga wika.

Check 1: Siyasatin ang iyong mga detalye ng pagkontak

Siyasatin na ang iyong mga detalye na ang kontak at tax file number (TFN) ay napapanahon sa amin at sa iyong super fund. Nakakatulong ito na maiwasan ang pagkakawala ng super at makakatulong sa amin sa pagtugma ng anumang hindi inangkin na super sa iyo. Mahalaga ring masiguro na ang iyong mga detalye ng bank account ay napapanahon sa amin.

Mag-log in sa ATO online services sa pamamagitan ng myGovExternal Link (sa Ingles). Sa nasa itaas na menu, piliin ang My profile. Mula sa mga opsyon na drop-down, piliin ang alinman sa kanila:

  • Personal details upang baguhin (update) ang iyong pangalan, numero ng pagkontak, email at address ng tirahan
  • Financial institution details upang baguhin ang iyong bank account at
    • sa ilalim ng Account heading, makikita mo ang Income Tax at Superannuation
    • piliin ang Add o ang Update.

Upang baguhin (update) ang iyong mga detalye ng pagkontak at TFN sa iyong super fund, tingnan ang kanilang website o direktang makipag-ugnay sa kanila.

Check 2: Siyasatin ang balanse ng iyong super at mga kontribusyon ng employer

Regular na siyasatin ang balanse ng iyong super upang makita kung magkano ang nasa iyo at masubaybayan ang mga kontribusyon ng iyong employer. Maaari mong magawa ito sa anumang oras sa ATO online services o sa pamamagitan ng iyong super fund.

Mula sa ika-1 ng Hulyo 2026, kinakailangang siguraduhin ng iyong employer na ang kanilang mga kontribusyon ay makakarating sa iyong super fund nang hindi lalampas sa 7 araw ng negosyo pagkatapos ng araw ng suweldo (maliban kung nalalapat ang isang mas mahabang panahon).

Kung ikaw ay wala pang 18 taong gulang, kailangan mong magtrabaho ng mahigit sa 30 oras bawat linggo upang maging karapat-dapat para sa super. Para sa mga pinakabagong impormasyon sa mga rate (halaga) ng super, bisitahin ang Super guarantee (sa Ingles).

Ang mga super fund ay nag-uulat ng balanse ng mga account sa amin kapag nakatanggap sila ng mga kabayaran. Ang mga balanse na makikita sa mga serbisyong online ng ATO ay maaaring magkaiba sa iyong tunay na kasalukuyang mga balanse.

Mag-log in sa ATO online services sa pamamagitan ng myGovExternal Link (sa Ingles). Mula sa pinakamataas na menu, piliin ang Super at pagkatapos ay ang alinman:

  • Fund details upang makita ang lahat ng iyong mga account at mga balanse ng super (kabilang ang nasa mga fund o ang nasa sa amin) at ang pinakabagong datos na iniulat sa iyong fund.
  • Information, at pagkatapos ay ang Employer contributions upang makita ang iyong total year-to-date na mga kontribusyon ng iyong employer sa isang piniling taon. Piliin ang Transactions upang makita nang hiwa-hiwalay ang bawat kontribusyon.

Kung hindi ka makakatanggap ng mga super contribution o hindi tama ang mga halaga:

  1. makipag-ugnay sa iyong employer upang humingi ng isang update.
  2. iulat ito (sa Ingles) sa amin.

Check 3: Magsiyasat para sa mga nawala at mga hindi inangkin na super (lost and unclaimed super)

Maaaring nawala mo ang ilan sa iyong mga super kapag nagpalit ka ng pangalan, tirahan o trabaho, halimbawa. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga na masiguro na ang iyong kasalukuyang mga detalye ay nasa sa iyong fund.

Lost super (nawawalang super) ay kapag ang iyong fund ay nawalan ng ugnayan sa iyo, o ang iyong account ay hindi aktibo. Ang perang ito ay hinahawakan ng iyong fund. Ang unclaimed super (hindi inangkin na super) ay kapag ang ililipat ng iyong fund ang nawawalang super sa amin.

Lahat ng iyong mga super account, kabilang ang nawawala at hinahawakan ng ATO na super, ay makikita sa ATO online services.

Mag-log in samga serbisyo ng ATO na nasa online (ATO online services) sa pamamagitan ng myGovExternal Link (sa Ingles). Mula sa pinakamataas na menu, piliin ang Super. At pagkatapos ay piliin ang alinman:

  • Fund details upang magsiyasat ng nawawalang super. Kung gusto mong panatilihin ang iyong super sa parehong fund, direktang makipag-ugnay sa kanila upang baguhin ang iyong mga detalye.
  • Manage, pagkatapos ay Transfer super upang ilipat ang nawawalang super sa isang karapat-dapat na super account, o hilingin ang iyong fund na ilipat ito. Ang opsyon na Transfer super ay naroon lamang kung mayroon kang maraming (multiple) mga super account.
  • Manage, pagkatapos ay Transfer super upang ilipat ang hinanawakan ng ATO na super sa isang karapat-dapat na super account.
  • Manage, at pagkatapos ay Withdraw ATO-held super upang ibabayad ito sa iyo kung ikaw ay mahigit na 65 taong gulang o ang halaga ay mas mababa sa $200.

Dagdagan ang kaalaman tungkol sa paghahanap ng nawawalang super (sa Ingles).

Check 4: Siyasatin kung mayroon kang maraming mga super account at isaalang-alang na pagsama-samahin ang mga ito (consolidating)

Kung nagkaroon ka ng higit sa isang trabaho, maaaring mayroon kang mahigit sa isang super account. Mahalagang malaman kung ilan ang iyong mga super account. Ang pagsasama-sama sa iyong mga super ay maaaring magbabawas sa mga bayarin at gawin itong mas madali na pangasiwaan.

Kung pagpasyahan mong pagsama-samahin (consolidate) ang iyong super, mahalaga na piliin ang fund na nararapat para sa iyo. Dapat mong tingnan na ito ay nagbibigay ng mas mabuting halaga at ang insurance cover ay nababagay para sa iyong mga pangangailangan, na maaaring magbago hanggang sa katapusan ng iyong buhay. Upang makita kung aling fund ang pinakamabuting opsyon para sa iyo, bisitahin ang MoneySmartExternal Link (sa Ingles).

Kung hindi ka sigurado kung ano ang gagawin, makipag-ugnay sa iyong super fund o kumuha ng independiyenteng payong pampinansyal.

Mag-log in sa ATO online services sa pamamagitan ng myGovExternal Link (sa Ingles). Mula sa pinakamataas na menu, piliin ang Super at pagkatapos ang alinman sa sumusunod:

  • Fund details upang makita ang lahat ng iyong mga super account at mga balanse
  • Manage at pagkatapos ay Transfer super upang pagsama-samahin ang iyong mga account, pagkatapos ay
    • piliin ang fund na gusto mong isara (o ilipat)
    • piliin ang fund na paglilipatan ng iyong pera mula sa mga account na nakalista
    • kumpirmahin ang iyong pinili at isumite ang kahilingan.

Check 5: Siyasatin ang iyong hinirang na tagapagmana (nominated beneficiary)

Maglaan ng oras na masiguro na mayroon kang isang nakalagay na valid death beneficiary nomination (may katibayan na paghirang sa magmamana pagtatapos ng pagkamatay) sa iyong super fund dahil ito ay hindi kasama sa iyong testamento (will). Nangangahulugan ito na ang iyong mga mahal sa buhay ay hindi ilalagay sa hindi kinakailangang mga problema upang tapusin ang iyong mga ari-arian.

Karamihan sa mga may bisa sa batas na mga nominasyon ay nawawalan ng bisa bawat 3 taon. Ang ilang mga super fund ay may opsyon kung saan ang mga nominasyon ay hindi nawawalan ng bisa at nananatili hanggang ang mga ito ay babawiin.

Kung hindi ka humirang ng isang tagapagmana (beneficiary), maaaring hindi alam ng iyong super fund kung kanino dapat ibabayad ang iyong benepisyo. Sa mga kasong ito, susundin nila ang batas. Karaniwang nangangahulugan nito na ibabayad nila ito sa isa o mas mahigit pa sa iyong mga sinusustentuhan o sa iyong legal na personal na kinatawan.

Upang siyasatin o humirang ng iyong tagapagmana (death beneficiary):

  • Sumangguni sa website ng iyong super fund o makipag-ugnay sa kanila upang matingnan kung mayroon ka nang isang nakalagay na may bisang hinirang.
  • Kung hindi ka sigurado kung ano ang gagawin, makipag-ugnay sa iyong super fund o humingi ng isang independiyenteng pampinansyal o legal na payo mula sa isang kwalipikadong tagaplano ng mga ari-arian.

QC107636