Sa patnubay na ito:
- Tungkol sa aming Charter
- Ang aming pangako sa iyo
- Ano ang hihilingin namin sa iyo
- Mga hakbang na gagawin kung gusto mong muling matingnan (reviewed) ang isang kapasyahan
- Mga hakbang na gagawin kung hindi ka nasisiyahan sa aming serbisyo
- Paano kami makontak
- Gabay na sumusuporta sa batas
Tungkol sa aming Charter
Kami ang namamahala sa mga serbisyo ng buwis, super at pagpaparehistro ng negosyo sa Australia. Sinusuportahan din namin ang paghahatid ng mga benepisyo ng pamahalaan sa komunidad.
Ang aming mga serbisyo ay mahalaga para sa pagsuporta sa paraan ng pamumuhay na tinatamasa natin sa Australia, na tulad ng pangangalaga sa kalusugan, edukasyon at imprastraktura ng komunidad.
May papel ka upang makatulong na maisakatuparan ito. Ang iyong mga obligasyon ay mangangailangan sa iyo kung minsan na makipagtulungan sa amin.
Gusto naming masiguro na tuwing nakikipagtulungan ka sa amin, ang iyong karanasan ay magaan at propesyonal.
Ang Charter na ito:
- ay nagpapaliwanag kung ano ang maaari mong asahan kapag ikaw ay nakikipag-ugnayan sa amin
- nalalapat sa lahat ng tao na nakikipagtulungan sa amin
- ay batay sa mga batas, mga alituntunin at mga prinsipyo na dapat nating sundin.
Mayroon ding mga hakbang na maaari mong gawin kung hindi ka sang-ayon sa isang desisyong nagawa namin o naniniwala na hindi namin sinunod ang Charter.
I-download ang impormasyon sa pahinang ito sa Aming Charter (NAT 75579, PDF 283KB)This link will download a file (sa Ingles).
Ang aming pangako sa iyo
Patas at makatwirang pagtrato
Ang aming relasyon sa iyo ay batay sa tiwala at respeto sa isa't isa. Kami ay nakatuon sa pagiging makatarungan, etikal at may pananagutan sa lahat ng mga ginagawa namin.
Kami ay:
- tratuhin ka nang may kagandahang-asal, konsiderasyon, at paggalang
- kikilos na may katapatan at integridad (sa Ingles)
- magiging walang kinikilingan at kikilos nang walang masamang hangarin
- tratuhin ka na isang matapat maliban kung may dahilan kami para mag-isip nang iba at bibigyan ka ng pagkakataong magpaliwanag
- makikipagtulungan sa mga taong pinili mong kakatawan sa iyo, tulad ng isang propesyonal na tagapayo.
Propesyonal na serbisyo
Alam namin na ang iyong mga karapatan at mga obligasyon sa ilalim ng batas ay maaaring kumplikado. Layunin naming magbigay sa iyo ng maaasahan, madaling makuha at kapaki-pakinabang na impormasyon at serbisyo upang matulungan kang maunawaan ang iyong mga karapatan at matugunan ang iyong mga obligasyon.
Kami ay:
- makatutugon at magbibigay ng napapanahon, tumpak at madaling intindihin na impormasyon
- makikipagtulungan sa komunidad upang idisenyo ng aming mga produkto at mga serbisyo na maging madaling magamit at inklusibo
- magbibigay ng aming mga serbisyo sa digital maliban kung saan ang isang alternatibong pamamaraan ay mas angkop.
Suporta at tulong
Nauunawaan namin na ang mga tao ay maaaring mangangailangan ng tulong sa magkakaibang paraan, sa magkakaibang panahon. Alam namin na maaaring mas mahirap para sa iyo na matugunan ang iyong mga obligasyon kapag ikaw ay nanganganib, nasa mga panahon ng kahirapan o naaapektuhan ng mga krisis. Habang sa karamihang kaso ay hindi namin maaaring alisin ang iyong mga obligasyon, maaaring may mga paraan na makatulong kami sa iyo na matugunan ang mga ito.
Kami ay:
- makikinig sa iyong sitwasyon at kikilalanin ang mga ito kung saan ay maaari kaming
- magbigay ng suporta sa mga krisis at mga panahon ng kahirapan
- magbigay ng tulong kung kinakailangan mo ng tulong sa pag-unawa o pag-access ng aming mga serbisyo.
Seguridad ng iyong datos at pagkapribado
Seryoso naming pananagutan na protektahan ang iyong impormasyon at datos. Alam namin kung gaano kahalaga ang pagkapribado at seguridad ng iyong personal na impormasyon sa makabagong daigdig na digital.
Kami ay:
- igagalang ang iyong pagkapribado (sa Ingles) at ibubunyag lamang ang iyong impormasyon kapag pinahihintulutan ng batas
- gagamit ng maraming mga patong ng cyber security at proteksyon ng pagkakakilanlan (sa Ingles) upang mapanatili na protektado at ligtas ang iyong datos at mga transaksyon sa online
- kumukuha, gamagamit at magbabahagi ng datos (sa Ingles) na etikal at ayon sa batas upang magbigay ng aming mga serbisyo.
Panatilihin kang may kamalayan
Kami ay nakatuon na maging malinaw at may pananagutan sa aming mga pakikipag-ugnayan sa iyo at sa komunidad.
Kami ay:
- magpapaliwanag ng aming mga kapasyahan
- panatilihin kang may kamalayan sa aming progreso
- makikipag-ugnay at ipapaliwanag ang iyong mga karapatan, obligasyon at mga opsyon ng pag-review
- magbibigay sa iyo ng pag-access sa iyong impormasyon (sa Ingles), at impormasyon na nakakatulong sa amin na makagawa ng mga desisyon, kung saan nararapat.
Ano ang hihilingin namin sa iyo
Magkakaroon ka ng iba’t-ibang mga obligasyon sa ilalim ng batas, depende sa iyong kalagayan.
- Tatratuhin kami nang may kagandahang-asal, konsiderasyon, at paggalang.
- Maging tapat at kumilos na alinsunod sa batas.
- Tumugon sa aming mga katanungan sa takdang oras at bigyan kami ng lahat na nauugnay na impormasyon. Maaari kaming magtanong sa iyo o mangolekta ng karagdagang impormasyon (sa Ingles) para matiyak na tama at updated ang aming pagkakaintindi.
- Sabihin sa amin kung may ibang taong kakatawan sa iyo. Responsibilidad mo pa rin na matiyak na ang impormasyon na ibinigay sa amin ay tumpak.
- Matugunan ang mo ang iyong mga tungkulin (sa Ingles) kabilang ang pagsusumite at pagbabayad sa takdang oras. Kung hindi mo ito kayang gawin, ipagbigay-alam sa amin sa lalong madaling panahon bago ang takdang panahon upang masuportahan ka namin.
- Magpanatili ng maayos na mga talaan at ibigay sa amin ang mga ito kapag kinakailangan.
- Maingat na panatilihing ligtas ang iyong impormasyon ng pagkakakilanlan at ipagbigay-alam sa amin kung magbabago ang iyong mga detalye.
Mga hakbang na gagawin kung gusto mong muling matingnan (reviewed) ang isang kapasyahan
Kung sa palagay mo ay nagkamali kami sa aming mga desisyon, kami ay makikipagtulungan sa iyo upang matugunan ang iyong mga pag-aalala nang mabilis at simple hangga’t maaari.
Hindi namin kayang baguhin ang batas. Gayunpaman, matutulungan ka naming maintindihan kung paano ito nalalapat sa iyong sitwasyon.
Ibabalangkas din namin ang iyong mga opsyon kabilang ang legal na mga karapatan ng pag-review (sa Ingles) at kung paano makagawa ng isang reklamo.
Bilang unang hakbang, talakayin ang iyong mga pag-aalala sa amin upang makita kung kaya naming matugunan ang mga ito. Maaaring nabigyan ka ng isang partikular na makontak na maaari mong kausap, kung hindi ay maaari kang makipag-ugnay sa amin (sa Ingles).
Maaari ka ring humiling na ma-review ang marami sa aming mga kapasyahan sa pamamagitan ng isang independienteng opisyal na hindi kasali sa orihinal na pagdedesisyon.
Kung hindi ka sumasang-ayon sa aming panloob na review, maaari kang humiling ng isang panlabas na review (sa Ingles). Sa karamihang mga kaso, kailangan mong humingi ng isang panloob na review sa amin at hindi nasisiyahan sa resulta bago makahingi ng isang panlabas na review.
Depende sa uri ng kapasyahan na hindi ka sumasang-ayon, maaaring mayroon kang iba’t-ibang mga opsyon para sa panlabas na review na kagaya ng sa mga hukuman o mga tribunal.
Mga hakbang na gagawin kung hindi ka nasisiyahan sa aming serbisyo
Mahalaga sa amin na malaman kung hindi ka nasisiyahan upang maaari naming ipagpatuloy na mapabuti ang aming serbisyo.
May ilang mga hakbang na maaari mong gawin kung hindi namin natugunan ang iyong inaasam, o sa palagay mo ay hindi namin sinunod ang Charter:
- Bilang isang unang hakbang, talakayin ang iyong mga pag-aalala sa isang opisyal ng ATO na susubukang lutasin ang iyong isyu. Maaaring nabigyan ka ng isang partikular na makontak na maaari mong kausap, kung hindi ay maaari kang makipag-ugnay sa amin (sa Ingles).
- Kung hindi ka nasisiyahan, maaari kang humingi na makipag-usap sa isang tagapamahala.
- Kung hindi pa rin nito natutugunan ang iyong mga alalahanin, maaari kang magbigay ng puna (sa Ingles) upang mapabuti ang aming mga proseso o maghain ng isang pormal na reklamo (sa Ingles).
Seryoso naming tinatrato ang lahat ng mga reklamo at nilalayon naming malutas ang mga ito nang mabilis at patas.
Ang pagsasagawa ng isang reklamo ay hindi makakaapekto sa iyong relasyon sa amin.
Kung hindi ka nasisiyahan pagkatapos ng pagsasagawa ng isang reklamo sa amin, maaari kang makipag-ugnay sa Ombudsman ng BuwisExternal Link (Tax Ombudsman) para sa isang independienteng imbesgitasyon.
Maaari ka ring mag-apply para sa bayad-pinsala (sa Ingles) mula sa amin kung ikaw ay:
- naniniwala na ang aming mga kilos ay naging sanhi sa isang legal na pananagutan
- nagkaroon ng mga pagkalugi na dulot ng aming depektibong administrasyon.
Paano kami makontak
Kung mayroon kang mga tanong o mga pag-aalala tungkol sa anuman sa aming mga pangako sa iyo o sa mga hinihiling namin sa iyo, makipag-ugnay sa amin (sa Ingles) o sa isang propesyonal na tagapayo.
Gabay na sumusuporta sa batas
Ang patnubay (sa Ingles) na ito ay sumusuporta sa aming Charter sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang balangkas ng mahalagang batas na may kaugnayan sa aming mga pangako.