Personal na krisis o kahinaan
Ang personal na krisis o kahinaan ay nangangahulugan na dumaranas ka ng matinding personal na pangyayari na nakakaapekto sa iyong kagalingan o kakayahang pamahalaan ang iyong buwis at superannuation. Maaaring kabilang dito ang mga pangyayaring tulad ng isang trahedya o pagkamatay sa iyong pamilya, malubhang sakit o kapansanan, isyu sa kalusugang pangkaisipan, o karahasan sa pamilya at tahanan.
Paghihirap sa pananalapi
Ang paghihirap sa pananalapi ay nangangahulugang nahihirapan kang maka-access sa mga kinakailangan mo o ng iyong pamilya. Maaaring kabilang sa mga kinakailangan ang pagkain, tirahan, pananamit, medikal na paggamot, edukasyon o iba pang mga pangunahing bagay.
Mga likas na sakuna
Ang pagiging apektado ng isang likas na sakuna ay nangangahulugan na nakaranas ka ng pagkagambala, kawalan o pinsala dahil sa isang malaking pangyayari sa kapaligiran. Maaaring kabilang dito ang mga pangyayaring tulad ng mga bushfire, bagyo, tagtuyot, baha o malalakas na bagyo.
Pagkamatay ng isang taong malapit sa iyo
Kung sinisikap naming kontakin ang isang tao na pumanaw kamakailan lamang, dapat kaming tawagan ng tagapagpatupad (executor) o pinakamalapit na kamag-anak (next of kin) (o ibang tao) upang ipaalam sa amin ito. Kapag handa ka nang harapin ang buwis at super ng namatay na tao, tingnan ang:
- aming checklist kung ano ang gagawin kapag may namatay (sa Ingles)
- mga benepisyo sa super mula sa pagkamatay o pagkamatay ng isang miyembro ng SMSF (parehong nasa Ingles).
Paano ka namin masusuportahan
Kung ikaw ay dumaranas ng personal na krisis, paghihirap sa pananalapi, likas na sakuna o pagkamatay ng isang taong malapit sa iyo, at nahihirapan ka sa iyong mga obligasyon sa buwis o super, kontakin mo kami para sa tulong. Maaari kaming magbigay ng suporta sa buwis (sa Ingles) para sa mga oras na pinakakailangan mo ito.
Mayroon din kaming impormasyong makukuha tungkol sa aming suporta para sa mga taong dumaranas ng kahinaan, kung saan maaari kang makakuha ng payo sa pananalapi, at mga serbisyo sa kalusugang pangkaisipan, kagalingan at pagpapayo (lahat sa Ingles).
Kontakin mo kami sa lalong madaling panahon
Hinihikayat ka naming makipag-ugnayan sa amin tungkol sa iyong sitwasyon sa lalong madaling panahon. Maaari mong asahan na:
- aasikasuhin ka nang patas
- tutulungan ka naming makakuha ng katiyakan sa katayuan ng iyong buwis at super
- pakikinggan namin ang iyong sitwasyon at mag-aalok ng suporta na akma para sa iyo
- makakakuha ka ng malinaw at simpleng impormasyon tungkol sa iyong mga opsyon at mga susunod na hakbang.
Ang mga numero ng aming telepono
Kung nais mong makipag-usap sa isang tao dahil sa isang likas na sakuna o agarang krisis o paghihirap, tawagan ang aming Emergency Support line sa 1800 806 218.
Maaari ka ring tumawag sa isa sa mga sumusunod na linya ng pagtatanong:
- Mga tanong mula sa mga indibidwal 13 28 61
- Mga tanong tungkol sa Lodge and Pay 13 11 42
- Mga tanong tungkol sa negosyo 13 28 66.
Bago tumawag, tingnan muna:
- ang mga oras na bukas ang serbisyo ng telepono (sa Ingles)
- na mayroon kang impormasyon upang patunayan ang iyong pagkakakilanlan (sa Ingles).
Kung nais mo na ibang tao ang makipag-usap sa amin para sa iyo, maaari kang:
- humirang ng awtorisadong kontak sa online (sa Ingles)
- makipag-usap sa isang rehistradong tax practitionerExternal Link na maaaring makipag-ugnayan sa amin para sa iyo (sa Ingles).
Kung mas gusto mong makipag-usap sa amin gamit ang isang wika maliban sa Ingles, tawagan ang Translating and Interpreting Service (TIS National) sa 13 14 50. Ang libreng serbisyong ito ay nakakapag-ayos ng interpreter sa isa sa mga wika na makukuhaExternal Link (sa Ingles). Ikokonekta ng serbisyo ang interpreter at ikaw sa amin para matulungan ka sa iyong tanong. Upang kontakin ang TIS National, sa pagitan ng 8:00 am at 6:00 pm AEST, Lunes hanggang Biyernes, tawagan ang:
- 13 14 50 kung ikaw ay nasa Australya
- +61 3 9268 8332 kung ikaw ay nasa labas ng Australya.
Kung ikaw ay bingi/Bingi (Deaf), mahina ang pandinig o may kahirapan sa pagsasalita/pakikipagkomunikasyon, maaari mo kaming kontakin gamit ang National Relay ServiceExternal Link (NRS) (sa Ingles), gaya ng sumusunod:
- Kontakin ang NRS sa pamamagitan ng iyong piniling NRS call channel, na nakadetalye sa mga numerong matatawagan at link ng NRSExternal Link (sa Ingles).
- Ibigay sa NRS ang numero ng telepono ng ATO na nais mong tawagan.