Show download pdf controls
  • Buwis: paano ito gumagana at bakit nagbabayad tayo nito

    Ano ang buwis?

    Ang buwis ay pera na kinokolekta namin sa ngalan ng pamahalaan. Maaaring kailangan mong magbayad ng buwis kung kumikita ka mula sa:

    • isang trabaho
    • mga allowance at bayad ng Centrelink
    • pagpapatakbo ng negosyo
    • ibang mga pagkukunan (katulad ng interes sa bangko).

    Bakit tayo nagbabayad ng buwis

    Ang perang buwis na kinokolekta namin ay nagbabayad sa mga serbisyo katulad ng:

    • kalusugan
    • edukasyon
    • depensa
    • mga kalsada at riles
    • social security at iba pang mga pagbabayad na mula sa Centrelink.

    Paano ako magbabayad ng buwis?

    Kung nagtatrabaho ka para sa isang taga-empleyo, kukunin nila ang buwis mula sa iyong sahod o suweldo at ibibigay nila ito sa amin.

    Kung mayroon kang ibang kita, katulad ng kita mula sa negosyo o interes sa bangko, maaaring kailangan mong magbayad sa amin ng buwis. Kung kailangan mo ng tulong, maaari mong kontakin kami o ang isang nakarehistrong ahente ng buwis.

    Karamihan sa mga tao ay kailangang magsumite ng isang tax return bawat taon upang sabihin sa amin kung magkano:

    • ang kitang kinita nila
    • ang buwis na binayaran nila.

    Ginagamit namin ang impormasyong ito upang kalkulahin kung binayaran mo ang tamang halaga ng buwis para sa taon.

    Makinig sa aming mga gabay sa audio sa Pilipino

    Media: Buwis: paano ito gumagana at bakit nagbabayad tayo nito
    http://tv.ato.gov.au/ato-tv/media?v=bd1bdiud4x9bmwExternal Link (Duration: 00:01:56)

    Mga susunod na hakbang:

    Awtorisado ng Pamahalaan ng Australia, Canberra.

    Authorised by the Australian Government, Canberra.

      Last modified: 17 Apr 2023QC 61268