Pagsisimula ng iyong sariling negosyo
Kapag kumikita ng pera mula sa isang negosyo, karaniwang nangangahulugang ito na kailangan mong magbayad ng buwis.
Maaaring karapat-dapat ka para maghabol ng ilang pagkakaltas para sa mga gastos sa negosyo upang mabawasan ang iyong buwis.
Kung nagpapatrabaho ka ng mga tao upang magtrabaho para sa iyo sa iyong negosyo, kailangan mong magbayad ng buwis at super para sa kanila.
Kung hindi ka sigurado kung ano ang kailangan mong gawin, magtanong sa isang nakarehistrong ahente ng buwis o kontakin kami para humingi ng tulong.
Tingnan din:
Bago ka magsimula sa iyong negosyo
Negosyo o kinagigiliwang libangan
Mahalagang malaman kung ang iyong aktibidad ay isang negosyo o kinagigiliwang libangan.
Ang 'kinagigiliwang libangan' ay nangangahulugang isang bagay na ginagawa mo sa iyong bakanteng oras para sa kasiyahan. Kung balak mong kumita, nagpapatakbo ka ng negosyo.
Kung nagpapatakbo ka ng negosyo, may mga kinakailangang legal katulad ng:
- pagsabi sa amin kung magkano ang kita mo
- pagtatabi ng mga rekord para sa anumang gastos na gusto mong pakaltasan.
Pagpili ng istruktura ng iyong negosyo
May apat na pangunahing uri ng negosyo sa Australia – solong mangangalakal (sole trader), may kasosyo (partnership), kompanya at trust.
Ang bawat istruktura ay may iba't ibang panuntunan sa buwis at pag-uulat. Nakakaapekto ang mga ito sa kung magkano ang babayaran mong buwis at ano ang mangyayari kung nagkaka-utang ka. Kailangan mong maintindihan ang mga panuntunang ito bago mo piliin ang istruktura ng iyong negosyo.
Makinig sa aming mga gabay sa audio sa Pilipino
Tingnan din:
Pagpapasimula ng iyong negosyo
Pagpaparehistro sa iyong negosyo
Kapag nagsisimula ka ng negosyo, kailangan mong kumuha ng:
- Australian business number (ABN, numero para sa pagnenegosyo sa Australia)
- tax file number (TFN) – kung wala ka pa nito.
Depende kung magkano ang perang kinita mo at kung may mga empleyado ka, maaaring kailangan mo ring magparehistro para sa:
- Goods and services tax (GST, Buwis para sa mga kalakal at serbisyo)
- pay as you go (PAYG) withholding
- fringe benefits tax (FBT).
Pagkuha ng TFN para sa iyong negosyo
Ang lahat ng mga negosyo ay nangangailangan ng tax file number (TFN).
Kung pinapatakbo mo ang iyong negosyo bilang solong mangangalakal (sole trader), maaari mong gamitin ang iyong personal na TFN.
Para sa ibang mga istruktura ng negosyo, kailangan mong kumuha ng TFN para sa iyong negosyo kapag nag-aapply ka para sa ABN.
Pagkuha ng ABN
Ang Australian business number (ABN) ay isang natatanging numero para magamit ng iyong negosyo kapag nakikitungo sa ibang mga negosyo, pamahalaan, at sa ATO.
Hindi kailangan ng lahat ang ABN. Kailangan mo lang nito kung nagpapatakbo ka ng isang negosyo.
Kailangang ilagay mo ang iyong ABN sa iyong mga invoice. Kung hindi, kukuha ang ibang mga negosyo ng mas malaking buwis kaysa karaniwan mula sa anumang pagbabayad nila sa iyo at ipapadala nila ang buwis sa amin.
Libre ang pagkuha ng ABN.
Tingnan din:
Pagpaparehistro para sa GST at iba pang mga buwis
Maaaring kailangan mong magparehistro para sa GST at iba pang mga buwis, depende sa uri ng negosyo na pinapatakbo mo.
Makinig sa aming mga gabay sa audio sa Pilipino
Tingnan din:
Pag-uulat at pagbabayad ng buwis
Kung nagpapatakbo ka ng negosyo, maaaring kailangan mong magbayad ng buwis sa perang kinita ng iyong negosyo. Ang uri ng tax return na iyong isusumite ay magdedepende sa istruktura ng iyong negosyo. Maaaring kailanganin mo ring isumite ang mga pahayag ng aktibidad (activity statement).
Ang iyong tax return
Ang iyong tax return ay magsasabi sa amin kung:
- magkano ang perang kinita ng iyong negosyo
- magkano ang buwis na iyong babayaran.
Kailangan mong magsumite ng isang tax return bawat taon.
Kung itinatag mo ang iyong negosyo bilang solong mangangalakal, gagamitin mo ang iyong indibidwal na tax return upang isumite ang impormasyon sa buwis ng iyong negosyo.
Kung itinatag mo ang iyong negosyo bilang may kasosyo, kompanya o trust, gagamit ka ng ibang uri ng tax return para lang sa iyong negosyo.
Tingnan din:
Mga pahayag ng aktibidad (activity statement)
Ang mga pahayag ng aktibidad ay naiiba sa mga tax return. Ginagamit ng mga negosyo ang pahayag ng aktibidad upang iulat at bayaran ang mga buwis katulad ng:
- goods and services tax (GST, buwis para sa mga kalakal at serbisyo)
- mga installment ng pay as you go (PAYG).
Kung ikaw ay nakarehistro para sa GST, magpapadala kami sa iyo ng business activity statement (BAS, pahayag ng aktibidad ng negosyo). Pinapadalhan namin ang karamihan ng mga negosyo ng kanilang BAS bawat tatlong buwan.
Kung ikaw ay hindi nakarehistro para sa GST, magpapadala kami sa iyo ng abiso sa installment sa halip ng BAS. Ipapadala namin ito sa iyo sa iyong una o ikalawang taon ng negosyo.
Tingnan din:
Paghahabol ng mga pagkakaltas at konsesyon
Kung gagamit ka ng pera sa mga gastos para sa iyong negosyo, maaari kang maghabol ng pagkakaltas sa buwis. Ibig sabihin nito na magbabayad ka ng mas kaunting buwis.
Ang ilang negosyo ay maaari ring maging karapat-dapat para sa mga konsesyon, offset o rebate ng buwis.
Makinig sa aming mga gabay sa audio sa Pilipino
Tingnan din:
Pagsusuweldo sa iyong mga manggagawa
Kung ang iyong negosyo ay may mga empleyado o kontraktor, kahit na sila ay pamilya, may ilang dagdag na bagay na kailangan mong gawin.
Pagsusuweldo sa mga empleyado
Deklarasyon ng TFN
Sa unang araw na magsisimulang magtrabaho para sa iyo ang empleyado, kailangang hilingin mo siya na punan ang form ng deklarasyon ng Tax file number. Kung hindi nila gagawin ito, kailangang kunin mo ang buwis mula sa kanilang suweldo sa pinakamataas na rate at ipadala ito sa amin.
Tingnan din:
PAYG withholding
Kung may mga empleyado ka, kailangang kunin mo ang buwis mula sa kanilang suweldo at ipadala ito sa amin. Tinatawag itong 'pay as you go withholding' (pagkakaltas ng buwis kada pasahod).
Tingnan din:
Pagbabayad ng super
Kung may mga empleyado ka, kailangan mong bayaran ang mga kontribusyon ng superannuation (super) para sa mga karapat-dapat na empleyado. Ipapadala mo ang perang ito sa kanilang pondo ng super. Tinatawag ito na 'garantiyang super'.
Tingnan din:
Single touch payroll (STP)
Ang Single Touch Payroll ay nangangahulugang kailangan mong sabihin sa amin ang impormasyon ng payroll ng iyong mga empleyado bawat pagkakataon na sinusuwelduhan mo sila. Kailangan mong i-ulat ang:
- mga nabayarang suweldo o sahod
- na-withhold na buwis
- mga kontribusyon sa super
Kung kailan at paano ka mag-uulat ay magdedepende sa kung ilang empleyado mayroon ang iyong negosyo.
Makakakuha ka ng espesyal na software na pang-negosyo na tutulong sa iyo na iulat ang impormasyong ito sa akin. May mga libre at murang produktong software.
Tingnan din::
Pagbabayad sa mga kontraktor
Kung kukuha ka ng kontraktor upang magtrabaho sa iyong negosyo, may ilang naiibang panuntunan sa buwis at super. Mahalaga na maintindihan ang kaibahan sa pagitan ng mga empleyado at kontraktor.
Makinig sa aming mga gabay sa audio sa Pilipino
Tingnan din:
Pagpapanatili at pagtatabi ng mga rekord ng negosyo
Ang pagpapanatili at pagtatabi ng mga rekord ay mahalaga sa maayos na pagpapatakbo ng iyong negosyo. Kailangang panatilihin at itabi ang ilang rekord nang hindi kukulangin sa limang taon. Ang pagpapanatili at pagtatabi ng mga wastong rekord ay tutulong din sa iyo na:
- malaman kung kumusta ang takbo ng iyong negosyo
- subaybayan ang iyong kita at mga gastos
- ipakita sa mga bangko o nagpapautang kung kumusta ang takbo ng iyong negosyo.
Makinig sa aming mga gabay sa audio sa Pilipino
Tingnan din:
Mga susunod na hakbang:
Awtorisado ng Pamahalaan ng Australia, Canberra.
Authorised by the Australian Government, Canberra.