Pagsumite ng iyong unang tax return
Bawat taon, karamihan sa mga tao ay kailangang magkumpleto ng isang tax return at magsumite nito sa amin. Sa iyong tax return, sinasabi mo sa amin ang lahat tungkol sa iyong kita at mga kaltas para sa taon.
Ginagamit namin ang impormasyong ito upang kalkulahin kung kailangan mong magbayad ng dagdag na buwis o kung kailangang ibalik sa iyo ang iyong pera (isang refund ng buwis).
Ang mga tax return (paglalahad ng kinita para sa pagbubuwis) ay para sa pampinansyal na taon mula ika-1 ng Hulyo hanggang ika-30 ng Hunyo. Kung ginagawa mo ang sarili mong tax return, kailangan mo itong isumite sa amin sa pagsapit ng ika-31 ng Oktobre.
Kung gusto mo ng libreng tulong sa pagkumpleto ng iyong tax return at mababa ang iyong kita, maaaring makatulong sa iyo ang aming nasanay na mga boluntaryo sa Tax Help.
Kung ikaw ay gumagamit ng isang ahente ng buwis, kailangang kontakin mo siya bago ang ika-31 ng Oktobre. Dapat mong suriin kung nakarehistro ang iyong ahente ng buwis.
Mas gusto mo bang makinig?
Sino ang kailangang magsumite ng tax return (balik-buwis sa kinita)?
Kailangang kumpletuhin ng karamihan ang kanilang tax return at isumite ito sa ATO kada taon.
Bakit kailangan kong magsumite ng tax return?
Kailangang malaman ng ATO kung magkano ang kinita mo sa taong pinansyal (financial year) at kung anong mga kinaltas (deductions) ang maaari mong i-claim. Malalaman nila mula sa impormasyong ito kung kailangan mong magbayad ng karagdagang buwis (tax bill) o kung kailangang ibalik sa iyo ang iyong pera (tax refund).
Ang financial year ay mula ika-1 ng Hulyo hanggang ika-30 ng Hunyo.
Kailan ko dapat isumite ang aking tax return?
Kung ikaw mismo ang gumagawa ng iyong tax return, kailangan mo itong isumite bago sumapit ang ika-31 ng Oktubre kada taon.
Kung may isang nakarehistrong ahente ng buwis (registered tax agent) na tumutulong sa iyong tax return, kailangan mong makipag-tulungan sa kanila bago ang ika-31 ng Oktubre.
Paano ko isusumite ang aking tax return?
Kung ikaw mismo ang gumagawa ng iyong tax return, maaari mo itong isumite online sa pamamagitan ng myTax.
Kung kumuha ka ng serbisyo ng isang registered tax agent, dapat kang makipag-appointment para kausapin siya.
Anong impormasyon ang kailangan ko sa pagsusumite ng aking tax return?
Kailangan mo ng iyong:
- tax file number (TFN)
- mga detalye ng iyong account sa bangko sakaling may perang kailangang ibayad sa iyo
- kita – upang patunayan ang perang kinita mo
- mga income statement (pahayag ng kita) mula sa lahat ng iyong tagapag-empleyo
- mga payment summary (buod ng kabayaran) mula sa Centrelink
- mga pagkakaltas (deductions) at mga gastos – upang patunayan ang anumang pagkakaltas na iyong kine-claim
- mga resibo para sa mga gastos na may kinalaman sa trabaho, mga donasyon o regalo
Kung magsusumite ka ng iyong tax return sa online gamit ang myTax, kailangan mo ng myGov user ID at password. Kung wala kang myGov account, maaari kang mag-set up nito at i-link sa ATO sa pamamagitan ng myGovExternal Link (sa Ingles).
Ang mga tagapag-empleyo, bangko at iba pang mga negosyo ay nagbibigay sa ATO ng mga detalye ng mga tao na katrabaho nila. Kung hihintayin mo ang katapusan ng Hulyo, isasama ng ATO ang mga detalyeng ito sa iyong tax return para magamit mo. Ito ay magpapabilis at magpapadali ng pagsusumite ng iyong tax return.
Mas gusto mo bang makinig?
Anong mga kita ang kailangan kong isama?
Kailangan mong isama lahat ng iyong kinita sa buong financial year. Ibig sabihin, ang perang kinita mo mula sa lahat ng iyong mga trabaho, kabilang ang:
- full time
- part time
- kaswal o paminsan-minsang trabaho
- self-employment (pagtatrabaho para sa sarili)
- mga cash job (trabahong binabayaran ng cash at walang kasulatan).
Dapat mo ring isama ang perang kinita mo sa ibang mga paraan, kabilang ang:
- interes mula sa mga bank account
- mga kabayaran mula sa gobyerno (halimbawa mula sa Centrelink)
- pag-aari na paupahang propyedad
- mga pamumuhunan sa ibang bansa
- mga dividend sa share.
Paano mo man ito kinita, huwag kalimutang isama ito sa iyong tax return.
Anong mga pagkakaltas ang maaari kong i-claim?
Maaari mong i-claim ang mga pagkakaltas para sa mga gastos na may kinalaman sa iyong trabaho. Kasama sa mga karaniwang pagkakaltas ang:
- mga gastos sa sasakyan at pagbibiyahe
- mga kasuotan, laundry at dry-cleaning
- mga gastos sa opisina sa bahay
- mga gastos sa edukasyon sa sarili
- mga tool at kagamitan.
Tingnan din:
Dapat kang magpakita ng mga patunay, halimbawa mga resibo, para sa anumang mga pagkakaltas na iyong kine-claim. Kailangang panatilihin at itabi ang mga rekord na ito nang hindi kukulangin sa limang taon. Maaaring hilingin sa iyo ng ATO na ipakita ang mga patunay na ito anumang oras.
Mas gusto mo bang makinig?
Mga susunod na hakbang:
Awtorisado ng Pamahalaan ng Australia, Canberra.
Authorised by the Australian Government, Canberra.